CESC, Eduk community members recognized in 2021 Linggo ng Parangal
- updcesc
- Jun 29, 2021
- 2 min read
Pinagpupugayan ng UP College of Education Student Council ang mga Guro ng Bayan na nagbigay dangal sa ating komunidad sa nakaraang 2021 Linggo ng Parangal sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman!

PROF. LORELEI VINLUAN
Gawad Tsanselor sa Natatanging Lingkod Komunidad
Si Prop. Lorelei R. Vinluan, PhD (College of Education/CEd,) at ang UP COVID-19 Response Volunteers ang tatanggap ng Gawad Tsanselor para sa Natatanging Lingkod Komunidad; habang ang “Community-Led Integrated Non-Mercury Non-Cyanide Gold Extraction Method (CLINN-GEM) Technology for People’s Empowerment and Participation” (College of Engineering/COE at College of Social Work and Community Development) naman ang Gawad Tsanselor para sa Natatanging Programang Pang-Ekstensiyon. (Mula sa https://upd.edu.ph/2021-linggo-ng-parangal/)
PROF. ROSANELIA YANGCO
43 Taon ng Paglilingkod, Parangal sa mga Retirado
ANNA LOURDES CRUZ
Gawad Tsanselor sa Natatanging Mag-aaral
Si Cruz ay isang lider-estudyante, guro, atleta at artista ng bayan. Kasalukuyang mag-aaral ng BSE Special Education sa Kolehiyo ng Edukasyon (CEd) matapos makuha ang kanyang Sertipiko sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino mula sa Kolehiyo ng Arte at Literatura noong 2013, hinahati ni Cruz ang kanyang oras sa gawaing akademiko, pagboboluntaryo at pagiging captain ng Philippine Short Track Speed Skating Team.
Simula 2018 ay pinamunuan ni Cruz ang muling pagbangon ng Sulo (opisyal na pahayagan ng UP CEd) mula sa mahabang pamamahinga at nagsilbing editor-in-chief (punong patnugot) nito simula Agosto 2018. Mula sa limang aktibong miyembro noong 2018, ito ay mayroon ngayong 17 aktibong miyembro. Nitong Abril ay itinatag ni Cruz ang Radyo Eduk, ang community broadcasting arm ng pahayagan. (Mula sa https://www.facebook.com/OfficialUPDiliman/photos/4067346243342498)
UP READING, EARLY GRADES, AND LANGUAGE EDUCATION (REGALE) AREA
Organisasyong Tumulong sa UP Diliman sa Panahon ng Pandemya
Kinilala ang UP College of Education REGALE dahil sa kanilang inisyatiba upang gumawa ng COVID-19 dictionary para sa mga kabataan noong kasagsagan ng pandemya taong 2020.
Ang REGALE ay binubuo ng mga sumusunod na propesor: Dina Ocampo, Maita Salvador, Grace Reoperez, Hazelle Ongtengco, Portia Padilla, Yayi Fua, Nong Diaz, Haydee Alipustain, Yvette Alcazar, Charo Baquial, Phoebe Almazan, Rissa Zara, Rom Metilla, Lourdes Baetiong, Crizel Sicat-De Laza, Audrey Morallo, Therese Bustos, at Nicky Perez.
UP COLLEGE OF EDUCATION STUDENT COUNCIL 2020-2021
Organisasyong Tumulong sa UP Diliman sa Panahon ng Pandemya
Kinilala ang UP College of Education Student Council para sa kanilang programang "Walang Iwanan: Education in the New Normal" Webinar Series na tumalakay sa mga napapanahong isyu sa sektor ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Ang naturang series ay dinaluhan ng mga guro at mag-aaral sa iba't ibang sulok ng bansa. Sa pamamagitan din ng programa ay nakalikom ang Konseho ng mga donasyon na nakatulong sa mga indigent families ng Taytay, Rizal, PWDs mula sa Grain Foundation, at mga kapus-palad na mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon.
Panoorin ang series sa https://www.facebook.com/watch/UPCESC/1495781947283449/.
UP EDUCATORS' CIRCLE
Nominado, Edukasyon at Literasiya
Parangal sa Samahang Mag-aaral
Isa ang UP Educators' Circle sa mga nominado sa Parangal sa Samahang Mag-aaral 2021, partikular sa kategoryang Edukasyon at Literasiya.
Bagamat tayo ay patuloy na humaharap sa mga kabi-kabilang panlipunang krisis, ipinamalas ng ating komunidad ang diwa ng paghahandog ng ating husay at dangal—lagi't lagi, #ParaSaBata at #ParaSaBayan!
Comments